ang tunay na ANDROID phone.
alam ko hindi po kayo maniniwala na hindi ko naman talaga afford bumili ng cellphone na ganun.
linya yan ng lahat na sasali dito siguro.pero paano ba kita macoconvince?, nang hindi magmamakaawa, hindi magpapacute, hindi magsisinungaling??? (aw), hindi gagamit nang nanay, o tatay, o lolo, o lola, o kahit cno pang tao sa lupalop ng mundo.
haaay.buhay. an swerte swerte ng makakakuha nyan, kagaya ng mga pangkaraniwang senaryo sa mga raffle promo, kung cno pa yung kayang kaya makabile, sa kanila mapupunta. parati na lang me kailangan bilhin, salihan , gastusin para makasali.
eto lang sasabihin ko sayo…hehehehe….gumawa ako tumblr acount para sumali jan..wala kasi ako internet sa bahay namin kaya diko naman talaga gawain magblog, pero mahilig ako magkwento…nang pasulat. siguro pwede nang unang rason yan para sau.sana naman oo! shet.
eto pa sasabihin ko sayo…philips ang kasalukuyan kong telepono, sabi ng kaoffismate ko, para daw “ref”..e brand naman tlaga ng ref un.awa ng dyos, nakacolored naman ako pero tanggal na ang keypad ng numbers 1,3,4,5 at 6. at awa pa ulit ng dyos..araw araw naman ako me load kahit mukang pulubi na yon.
napakarami nang pinagdaanan ng nakakaawang nakakatawa kong celfon. Naiwan ko na to sa karinderyang kinakainan ko sa trabaho ng apat na beses, nagpatak na to sa timba na may isang pulgada ang lamang tubig, nagpatak nadin to sa jeep habang nakasakay ako papunta pasig, naglakas loob na pumara para limutin, at naglakas loob parin nagpahintay at sumakay muli. Naiwan ko na to sa atm sa edsa central habang nagwiwidraw ako, tatlong magkakasunod na atm machine, gitna lang gumagana, nang silipin ko ang pang-una, kala ko nawala na kaya umalis nako, hanggang naalala ko na me dalawa pa nga pala.(swerte kot andun pa)…Napasama nadin so sa bag na ipapadeliver ko sa jrs. buti nalang taga batangas rin lang ung pinadalhan ko. (Naiisip ko kung pano nya tinatawanan as well as kinakaawaan fone ko, pero never mind, dinaman nila alam istorya). Naiwan ko to sa isang hotel na ininspect ko sa sobra takot ko sa multo. Nagpatak na to sa spiral staircase ng officenamin na may taas na 3 metro. at hindi bababa sa walumpung beses ko na to napapatak. hay. ETO ANG TOTOONG ANDROID!!!
Actually, hindi sakin tong cellphone ko, nakawala na ko ng celfon ng 4 na beses, isang nokia 1100, isang samsung sgh x700, isang samsung HGX(Di ko na maalala) at isang Buddy mobile. Mga pang average level na celfon. MUkang wala ako swerte sa magandang telepono, muka rin namang, dimoko bibigyan ng chance na magkameron…pero….sana! shet!
Kanino ba itong cellphone na ginagamit ko?
Ito ay teleponong pinaglumaan ng KAPATID ng BF ko…hahaha. isipin mo un, bf ko, hindi ako mabilhan…well..i dont demand din naman, kasi baka iwala ko lang. Kakaguilty lang.
Nakakahiyang ilabas ang telepono ko.totoo.pero kung alam lang nila kung gaano katatag at kalakas ang fighting spirit ng isang antigong Philips na cellphone…wala.nakakahiya parin…hahaha. kumpara sa mga tats-iskirin na telepono ng mga officemates ko, naka tri-dyi pa, at paramihan ng memori.Gusto ko sana pagipunan…pero.ung average cp nalang ulit.kasi alam ko….ibibigay mo sakin yang trying-hard-copycat-android-whatever mo!